Pahayag ng CCG tungkol sa resupply mission ng Pilipinas sa nakasadsad na bapor pandigma sa Ren’ai Jiao

2024-07-27 14:53:09  CMG
Share with:

Inihayag ni Gan Yu, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG), na ayon sa pansamantalang areglo ng panig Tsino at Pilipino, ipinadala Hulyo 27, 2024 ng Pilipinas ang isang pansibilyang bapor upang ihatid ang mga pangunahing pangangailangan sa nakasadsad na bapor pandigma nito sa Ren’ai Jiao.


Kinumpirma ito ng CCG at minomonitor at pinangangasiwaan ang buong proseso ng nasabing paghahatid, ani Gan.


Inihayag niya ang pag-asang ipapatupad ng panig Pilipino ang nagawa nitong pangako, at kasama ng panig Tsino, kapit-bisig na pangangasiwaan at kokontrolin nang maayos ang situwasyong pandagat.


Alinsunod sa batas, patuloy na isasagawa ng CCG ang aksyon ng pangangalaga sa karapatan at pagpapatupad ng batas sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao at mga karatig na karagatan.


Salin: Lito

Pulido: Ramil