Ministrong panlabas ng Tsina at Zambia, nagtagpo

2024-08-01 16:35:30  CMG
Share with:

Sa pag-uusap Hulyo 31, 2024, sa Beijing, nina Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng bansa, at Mulambo Haimbe, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Zambia, sinabi ng panig Tsino, na handa nitong palakasin ang pagpapalitan ng karanasan sa pamamahala sa Zambia, suportahan ang Zambia sa pagtahak sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan, at tulungan ang Zambia sa pagsusulong ng proseso ng modernisasyon.

 

Sa Setyembre ngayong taon, idaraos ang China-Africa Cooperation Forum Summit sa Beijing.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Wang, na handang gamitin ng Tsina ang nasabing pagkakataon upang makipagtulungan sa mga bansang Aprikano upang maisakatuparan ang makasaysayang pagtitipon, ipasa ang tradisyunal na pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina at Aprika, at itaguyod ang pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika tungo sa bagong antas.

 

Ipinahayag naman ni Haimbe ang kahandaan ng Zambia na gamitin ang pagkakataon ng ika-60 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa upang mapasulong ang mas malawak na pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Zambia at Tsina.


Salin: Wang Lezheng

Pulido: Rhio