Pagmomonitor at pangangasiwa sa mga bapor ng Pilipinas sa katubigan ng Xianbin Jiao, isinagawa ng CCG

2024-08-05 15:28:05  CMG
Share with:

Ipinahayag, Agosto 4, 2024 ni Gan Yu, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG), na sapul noong Agosto 3, ilang bapor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at mangingisdang Pilipino ang pumunta sa katubigan sa paligid ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na may numerong 9701, na iligal na naka-angkla sa Xianbin Jiao ng Tsina.

 

Batay sa batas ng Tsina, isinagawa ng CCG ang pagmomonitor at mabisang pangangasiwa sa situwasyon, dagdag ni Gan.

 

Aniya, mayroong di-mapabubulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao at katubigan sa paligid nito na kinabibilangan ng Xianbin Jiao.

 

Ang bapor ng Pilipinas ay iligal aniyang nakatigil sa Xianbin Jiao, at ito ay nakapinsala sa teritoryo, soberanya at karapatang pandagat ng Tsina; labag sa Declaration on the Conduct of the Parties in the South China Sea (DOC); at nakapinsala sa katatagan at kapayapaan ng SCS.

 

Patuloy na isasagawa ng CCG ang pagpapatupad ng batas sa rehiyong pandagat ng SCS para pangalagaan ang teritoryo, soberanya at karapatang pandagat ng Tsina, aniya pa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio