$US3 milyong dolyares, ibinigay ng Tsina sa UNRWA para sa Gaza

2024-08-05 16:20:42  CMG
Share with:

Ibinigay, Agosto 1, 2024 ng Tsina ang $US3 milyong dolyares sa United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees in the Near East (UNRWA) para suportahan ang pangkagipitang humanitaryang saklolo sa Gaza Strip.

 

Ipinahayag ni Zeng Jixin, Puno ng Tanggapan ng Tsina sa Palestina, na palagiang sinusuportahan ng kanyang bansa ang mga gawain ng UNRWA sa nasabing lugar.

 

Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig na tumulong sa gawain ng UNRWA.

 

Hinangaan naman ni Antonia Marie De Meo, Ikalawang Pangkalahatang Komisyoner ng UNRWA, ang suporta ng Tsina.

 

Kasama ng Tsina, nakahanada ang UNRWA na palakasin ang kooperasyon para mapahupa ang makataong krisis sa Gaza, aniya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio