Pangulong Tsino: Dapat pahigpitin ang pangangalaga sa mga pamanang kultural at pangkalikasan

2024-08-06 16:17:02  CMG
Share with:

Pagkatapos ng paglakip ng isang pamanang kultural at dalawang pamanang pangkalikasan ng Tsina sa World Heritage List ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat samantalahin ang pagkakataong ito para ibayo pang pahigpitin ang pangangalaga sa mga pamanang kultural at pangkalikasan ng bansa..

 

Hiniling din ni Xi na pahigpitin ang mga gawain sa pagpapatuloy at paggamit ng mga pamanang kultural at pangkalikasan, at pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon at pagpapalitan sa larangan ng pamanang kultural at pangkalikasan.

 

Ang nabanggit na tatlong pamanang kultural at pangkalikasan ay A Building Ensemble Exhibiting the Ideal Order of the Chinese Capital, Badain Jaran Desert -- Towers of Sand, and Lakes, at Migratory Bird Sanctuaries along the Coast of Yellow Sea-Bohai Gulf of China (Phase II).


Salin: Ernest

Pulido: Ramil