GDP ng kalahati ng mga lalawigan ng Tsina, lumaki ng mahigit 5% noong unang hati ng taong 2024

2024-08-06 14:32:10  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng 31 lalawigan, rehiyon at munisipalidad ng Tsina ang kanilang datos ng paglaki ng kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) noong unang hati ng taong 2024 at 16 sa mga ito ay nag-ulat na lumampas sa 5% ang taon-sa-taong kita, mas mataas sa karaniwang lebel ng pambansang kabuhayan.

 

Noong unang hati ng taong ito, ang bolyum ng pag-aangkat at pagluluwas ng kaluraning rehiyon ng Tsina ay umabot sa 1.93 trilyong yuan Renminbi na lumaki ng 10.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023.

 

Bukod dito, ang mga masusing sonang pangkabuhayan na gaya ng Beijing-Tianjin-Hebei region, Yangtze River Delta, at Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area, ay nananatiling pangunahing puwersa ng paglaki ng pambansang kabuhayan.

 

Ang GDP ng nabanggit na mga rehiyon ay katumbas ng 40% ng GDP ng buong bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil