Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Agosto 7, 2024 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, ang bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina noong nagdaang Hulyo ay umabot sa 3.68 trilyong yuan Renminbi na lumaki ng 6.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023 at ang bahagdan ng paglaki nito ay nananatiling mahigit 5% nitong nakalipas na 4 na buwang singkad.
Ayon naman sa datos mula noong Enero hanggang Hulyo ng taong 2024, ang bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina ay umabot sa 24.83 trilyong yuan Renminbi na lumaki ng 6.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023.
Kabilang dito, ang bolyum ng pagluluwas ay umabot sa 14.26 trilyong yuan Renminbi na lumaki ng 6.7% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023 at ang bolyum ng pag-aangkat ay umabot sa 10.57 trilyong yuan Renminbi na lumaki ng 5.4%.
Bukod dito, ang bolyum ng kalakalan ng Tsina sa Unyong Europeo (EU), Amerika, Timog Korea at Hapon ay umabot sa 8.49 trilyong yuan Renminbi na katumbas ng 34.2% ng kabuuang bolyum ng kalakalang panlabas ng bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil