Nag-usap Agosto 6, 2024, sa telepono sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Badr Abdelatty, Ministrong Panlabas at Imigrasyon ng Ehipto at nagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa sitwasyon sa Gitnang Silangan.
Ipinahayag ni Wang na ang pagpatay kay Ismail Haniyeh, Hamas Political Bureau Chairman sa Tehran ay nagtulak sa rehiyonal na sitwasyon sa isang mas mapanganib na sitwasyon, at mahigpit na tinututulan at mariing kinokondena ito ng Tsina.
Binigyang-diin ni Wang na hindi dapat isagawa ang dobleng pamantayan sa isyu ng labanan sa Gaza.
Aniya, palalakasin ng Tsina ang pagkakaisa sa mga bansang Arabe at makikipagtulungan sa lahat ng panig para maiwasan ang paglala at paglubha ng sitwasyon.
Sinabi naman ni Abdelatty na lubos na pinahahalgahan ng Ehipto ang mahalagang papel na ginagampanan ng Tsina para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan.
Pinasasalamatan aniya ng Ehipto ang pagtataguyod ng Tsina sa rekonsilyasyong panloob sa Palestina, at umaasa na mapapanatili ang mahigpit na pakikipagtulungan sa Tsina upang maiwasan ang higit pang paglala ng sitwasyon.
Salin: Qiu Siyi
Pulido: Ramil