Nakipag-usap Agosto 6, 2024 sa telepono si Wang Yi, Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Tsina kay Ayman Safadi, Deputy Prime Minister at Ministro ng Ugnayang Panlabas at Expatriates ng Jordan hinggil sa sitwasyon sa Gitnang Silangan.
Ipinahayag ni Wang na mariing tinututulan at kinokondena ng Tsina ang pagpatay sa lider ng Islamic Resistance Movement (Hamas). Patuloy aniyang makikipagtulungan ang Tsina sa mga bansang Arabe para suportahan ang lahat ng pagsisikap na makatulong sa pagkamit ng permanenteng tigil-putukan sa Gaza Strip, maiwasan ang higit pang paglala ng tunggalian at komprontasyon, at mapahupa ang sitwasayon sa Gitnang Silangan sa lalong madaling panahon.
Sinabi naman ni Safadi na ang pinuno ng Hamas na si Haniyeh ay pinaslang at ang tensyon sa Gitnang Silangan ay lalong tumindi. Palagiang iginigiit ng Tsina ang obdyektibo at patas na posisyon sa bakbakan ng Palestina at Israel, aniya.
Nakahanda aniya ang Jordan na panatilihin ang komunikasyon sa Tsina at umaasa at naniniwala na ang Tsina ay gaganap ng mas mahalagang papel sa pagtataguyod ng tigil-putukan at pagbibigay-wakas ng digmaan.
Salin: Shi Weiyang
Pulido: Ramil