Pagbibigay-tulong sa Sudan, ipinanawagan ng Tsina

2024-08-07 17:35:17  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa bukas na pulong ng United Nations Security Council (UNSC) tungkol sa makataong isyu ng Sudan, inihayag Agosto 6, 2024, ni Dai Bing, Pangalawang Permanenteng Kinatawan ng Tsina sa UN, na sa harap ng di-katulad na makataong hamon ng Sudan, dapat patuloy na pag-ibayuhin ng internasyonal na komunidad ang atensyon at suporta, agad na tuparin ang mga pangako ng tulong, at epeketibong tulungan ang Sudan na maibsan ang kasalukuyang makataong krisis.

 

Diin niya na napakahalagang tiyakin na makakapasok ang makataong tulong at tiyakin na ang pagkain, tubig at iba pang tulong ay mabilis na maidadala sa bawat Sudanese na may nangangailangan.

 

Saad ni Dai na ang pagtulak sa mga nagsasagupaang panig sa Sudan na bumalik sa diyalogo at negosasyon at makamit ang tigil-putukan sa lalong madaling panahon ay ang pangunahing paraan para maibsan ang makataong krisis. 


Salin: Wang Lezheng

Pulido: Ramil