Ayon sa ulat Agosto 6, 2024, ng Sudan News Agency, ang baha na dulot ng malakas na ulan sa lungsod Abu Hamed sa Estado ng Ilog Nile sa Hilagang Sudan, ay ikinasawi ng di-kukulangin sa 11 katao at ikinasugat ng mahigit 60 iba pa.
Ayon pa sa ulat, nagsimula ang malakas na pag-ulan bandang alas-11 ng gabi ng Agosto 5 at tumagal ng halos 10 oras. Patuloy hanggang ngayon ang paghahanap ng mga rescue worker sa mga nawawala.
Karaniwang nagsisimula ang panahon ng tag-ulan sa Sudan tuwing Hulyo at tumatagal hanggang Setyembre o Oktubre kung saan tumaas ang pag-ulan at madalas ang pagbaha.
Salin: Zhong Yujia
Pulido: Ramil