Pagsibak sa puwesto sa punong ministro ng Tunisia, inihayag

2024-08-08 15:48:52  CMG
Share with:

Inihayag, Agosto 7, 2024 ng palasyong pampanguluhan ng Tunisia ang pagkakasibak ni Pangulong Kais Saied ng bansa kay Punong Ministro Ahmed Hachani sa kanyang posisyon.

 

Anang pahayag, itinalaga ang Ministro ng Usaping Panlipunan na si Kamal Madouri bilang bagong Punong Ministro.

 

Wala namang ibinigay na dahilan ang palasyo kaugnay ng pagtanggal kay Hachani sa kanyang posisyon.

 

Nagsilbi si Hachani bilang punong ministro ng Tunisia mula Agosto 2023.

Naranasan kamakailan sa maraming lugar ng Tunisia ang madalas na pagkawala ng tubig at kuryente, na nagresulta sa pagkadiskontento ng mga mamamayan.

 

Idaraos ang halalang pampanguluhan sa bansa sa Oktubre 2024, at noong nakaraang Hulyo, inanunsyo ni Saied ang kanyang paglahok sa halalan.


Salin: Zhong Yujia

Pulido: Rhio