Sa okasyon ng International Youth Day Agosto 12, 2024, binuksan Lunes sa Beijing ang 2024 World Youth Development Forum.
Kasali rito kapuwa online at on-site ang mahigit 2,000 kabataan mula sa mahigit 130 bansa at 20 organisasyong pandaigdig.
Sa kanyang video message, sinabi ni Amina Mohammed, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na ang kabataan ay lakas-panulak sa likod ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN, at ipinanawagan niya ang mas malaking suporta sa pag-unlad ng kabataan.
Sa susunod na ilang araw, bibisita ang mga kabataang kasali sa ibang mga lunsod ng Tsina na gaya ng Nanning at Hangzhou, at tatalakayin nila ang hinggil sa berdeng pag-unlad, didyital na pag-unlad, pamana at inobasyong kultural, mga youth development-oriented city at iba pang paksa.
Sa ilalim ng temang "Together for a Better Future," inaasahan ng tagapag-organisa ng porum na gagawing mahalagang okasyon ang aktibidad na ito, upang pagtipon-tipunin ang lakas ng kabataan sa pagsasakatuparan ng kapuwa 2030 Agenda for Sustainable Development at Global Development Initiative.
Salin: Vera
Pulido: Ramil