Ayon sa ulat ng media ng Hapon, Agosto 14, 2024, ipinasiya ni Punong Ministro Fumio Kishida ng bansa, na magbitiw sa puwesto.
Dagdag ng ulat, hindi na rin tatakbo si Kishida sa pagkapangulo ng naghaharing Liberal Democratic Party (LDP) sa susunod na buwan.
Ang hakbang na ito, anang ulat ay nagpapakita ng patuloy na paglala ng kritisismo kay Kishida, dahil sa mga iskandalo sa pondo ng LDP, at pagbulusok-pababa ng kanyang approval rating.
Salin: Wang Lezheng
Pulido: Rhio