Sa kanyang talumpati sa bukas na pulong ng United Nations Security Council (UNSC) tungkol sa isyu ng Libya, nanawagan Agosto 20, 2024 si Dai Bing, Pirmihang Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa UN, sa lahat ng panig ng Libya na unahin ang interes ng bansa at mga mamamayan, palakasin ang diyalogo at konsultasyon, basagin ang pampulitikang pagkakabuhol, at lumikha ng mga kundisyon para sa paglutas sa isyu ng Libya sa paraang pulitikal.
Ipinahayag ni Dai na dapat palakasin ng komunidad ng daigdig ang suporta sa Libya sa pag-unlad ng ekonomiya, pamamahala sa mga refugee, at rekonstruksyon mula sa sakuna ng baha upang totohanang mabawasan ang makataong presyur.
Salin: Qiu Siyi
Pulido: Ramil