Sinabi, Lunes, Agosto 26, 2024 ni bagong Punong Ministro Paetongtarn Shinawatra ng Thailand na malalim ang pagkakaibigan ng kanyang bansa at Tsina, at nakapokus siya sa pagpapasulong ng relasyong Thai-Sino.
Aniya, ang pagtitiwalaan at paggagalangan, komong ekspektasyon sa kasaganaan at progreso, at parang pagkakapamilya na ugnayan ng mga Thai at Tsino ay ugat ng malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Magpupunyagi aniya siya upang ibayong mapalakas ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Thailand at Tsina.
Kasama ng panig Tsino, nananabik rin aniya ang panig Thai sa pagsalubong sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa 2025.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Bagong PM ng Thailand, umaasang magkakaroon ng mas maraming kooperasyon sa Tsina
Di-pormal na pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand, idinaos
Ika-9 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng LMC, ginanap sa Thailand
Panunungkulan ni Paetongtarn Shinawatra bilang PM ng Thailand, binati ng Tsina