Saturday, 26  Apr

22 katao, patay sa malakas na pag-ulan sa Thailand

2024-08-27 14:46:21  CMG
Share with:

Ayon sa Departamento ng Pagpigil at Pagbawas ng Kalamidad ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Thailand Agosto 26, 2024, nakaranas ang Thailand ng malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at landslide, na ikinasawi ng 22 katao at ikinasugat ng 19 iba pa. Mahigit 30,000 pamilya ng 13 probinsya ng bansang ito ang apektado.

 

Hanggang umaga ng Agosto 26, nakakaranas parin ng mga pagbaha ang 737 nayon sa limang lalawigan ng hilagang Thailand.

 

Sa parehong araw, naglabas din ang nasabing departamento ng maagang babala para sa 31 lalawigan sa dakong hilagang, hilagang-silangan, gitnang at timog ng bansa, na nagpapaalala sa publiko na bigyang pansin ang pag-iwas sa pagbaha at malakas na hangin mula Agosto 26 hanggang Agosto 29.


Salin: Yan Jiayue

Pulido: Ramil