60 katao, patay sa pagbagsak ng dam sa silangang Sudan

2024-08-27 17:31:36  CMG
Share with:

Naglabas Agosto 26, 2024 ng isang pahayag ang awtoridad ng Red Sea State sa silangang Sudan na ganap ng gumuho ang Arbat Dam noong Agosto 25 na ikinamatay ng 60 katao at nag-iwan ng daan-daang nawawala.

 

Sinabi ng ahensya na kinakailangan ang agarang interbensyon sa gumuhong dam at paligid nito, at ilang taong umakyat sa bundok para makaligtas sa baha at panganib na matuklaw ng mga alakdan at ahas.


Salin: Ma Meiyuena

Pulido: Ramil