Bagong kabanata ng estratehikong komunikasyon ng Tsina at Amerika, idinaos

2024-08-28 10:48:52  CMG
Share with:

Idinaos, Agosto 27, 2024 sa Beijing nina Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Direktor ng Komisyong Sentral ng Departamento ng Ugnayang Panlabas ng CPC, at Jake Sullivan, Pambansang Tagapayong Panseguridad ng Amerika, ang bagong kabanata ng estratehikong komunikasyon ng dalawang bansa.

 

Ayon kay Wang, kailangang igiit ng Tsina’t Amerika ang pagtahak sa landas ng paggalang sa isa’t-isa, mapayapang pakikipamuhayan, at win-win na kooperasyon.

 

Ang pangunahing target aniya ng kasalukuyang pag-u-usap ay pagsasakatuparan ng komong palagay na narating ng mga pangulo ng dalawang bansa sa San Francisco noong Nobyembre 2023.

 

Umaasa siyang isasagawa ng dalawang panig ang konstruktibong pagtalakay hinggil dito para pasulungin ang matatag, malusog at sustenableng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Sinabi naman ni Sullivan na nagsisikap si Pangulong Joe Biden para mapigilan ang pagkakaroon ng komprontasyon sa relasyong Amerikano-Sino.

 

Mula kompetisyon, nais aniyang isagawa ng Amerika ang kooperasyon sa mga larangang may komong kapakanan ang dalawang bansa.

 

Sa pamamagitan ng kasalukuyang pagtitipon, umaasa siyang maisasagawa ng dalawang panig ang mabisang diyalogo at maisasakatuparan ang mga komong palagay ng mga pangulo ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio