Ipinahayag, Agosoto 27, 2024 ni Pangulong Andres Manuel Lopez Obrador ng Mexico, na suspendido ang pakikipagrelasyon ng kanyang bansa sa Embahada ng Amerika sa Mexico bilang tugon sa mga pahayag kamakailan ni Ken Salazar, Embahador ng Amerika sa Mexico tungkol sa reporma sa hudikatura sa bansa.
Ani Salazar, ang mga hakbang ng pamahalaan ng Mexico sa reporma sa hudikatura ay "banta sa demokratikong institusyon" at "magpapahina sa integrasyon ng ekonomiya ng Hilagang Amerika."
Bilang tugon, sinabi ni Lopez Obrador na, "dapat nilang matutunang igalang ang soberanya ng Mexico, [dahil] ito ay hindi isang maliit na bagay."
Sinabi pa niya na pananatilihin ng Mexico ang bilateral na relasyon sa pamahalaang Amerikano.
Salin: Shi Weiyang
Pulido: Rhio