Inihayag, Setyembre 1, 2024 ng Ministri ng Depensa ng Turkiye, na nagsagawa ng operasyong militar ang hukbo ng bansa laban sa mga puwersang Kurdish na nakabase sa hilagang Iraq at hilagang Syria, na nagresulta sa pagkamatay ng 17 miyembro ng armadong grupong Kurdish.
Sa mga nagdaang taon, ilang beses nang tumawid sa hangganan ng bansa ang hukbo ng Turkiye upang sugpuin ang mga puwersang Kurdish na nakabase sa mga kabundukan ng hilagang Iraq at hilagang Syria.
Ito ay hakbang upang masiguro ang seguridad sa timog-silangang hangganan ng Turkiye.
Salin: Zhong Yujia
Pulido: Rhio