Koopersyon ng Tsina at Aprika sa enerhiya, may malaking lakas-panulak at malawak na prospek

2024-09-04 17:09:27  CMG
Share with:

Inihayag ngayong araw, Agosto 4, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang kooperasyon sa enerhiya ay mahalagang bahagi ng kooperasyong Sino-Aprikano.

 

Aniya, nitong nakalipas na ilang taon, sa pamamagitan ng kooperasyon ng mga proyekto, suportang pinansyal at iba pang paraan, walang humpay na pinalalim ng Tsina ang kooperasyon ng kapuwa panig sa enerhiya.

 

Ayon sa salaysay ni Mao, umabot na sa ilandaan ang mga proyekto ng malinis na enerhiya at berdeng pag-unlad na isinagawa ng Tsina sa Aprika, bagay na nakapagpabagal ng epekto ng pagbabago ng klima sa Aprika, maging sa buong mundo.

 

May malaking lakas-panulak at malawak na prospek ang pag-unlad ng kooperasyon ng Tsina at Aprika sa enerhiya, at makakatulong ito sa pagsasakatuparan ng Aprika ng berde, mababang karbon, at de-kalidad na pag-unlad, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil