Xi Jinping, nakipagtagpo kay Punong Ministro ng Sao Tome and Principe

2024-09-06 16:58:30  CMG
Share with:


Nakipagtagpo, Setyembre 5, 2024, sa Great Hall of the People, Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Patrice Trovoada ng Sao Tome and Principe.

 

Si Trovoada ay nasa Tsina para dumalo sa 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) at gumawa ng opisyal na pagbisita.

 

Inanunsyo ng dalawang lider ang pagpapataas ng bilateral na relasyon sa komprehensibo’t estratehikong partnership.


Salin: Vera


Pulido: Ramil