Peng Liyuan at asawa ng pangulo ng Republika ng Congo, nagkita't nag-tsaa

2024-09-06 16:33:45  CMG
Share with:

Nagkita't nag-tsaa ngayong umaga, Setyembre 6, 2024 sa Beijing sina Peng Liyuan, asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Antoinette Sassou Nguesso, asawa ni Pangulong Denis Sassou Nguesso ng Republika ng Congo.


Hinangaan ni Peng ang pagsisikap ni Antoinette Sassou Nguesso para pasulungin ang usaping kalusugan ng Aprika.


Umaasa aniya siyang pahihigpitin ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t ibang larangan para makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.


Pinasalamatan naman ni Nguesso ang Tsina sa tulong nito para pasulungin ang mga usaping kalusugan, kababaihan at kabataan ng Aprika.


Saad pa niyang kasama ng Tsina, nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin ang kooperasyon sa kalusugan at edukasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil