Kataas-taasang lider ng Hilagang Korea, nakipagtagpo sa mataas na opisyal ng Rusya

2024-09-14 12:47:53  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Korean Central News Agency (KCNA) ngayong araw, Setyembre 14, 2024, nakipagtagpo kahapon, Setyembre 13, si Kim Jong Un, Pangkalahatang Kalihim ng Workers' Party ng Korea at Presidente ng State Affairs ng Hilagang Korea, kay Sergei Shoigu, Kalihim ng Konseho ng Seguridad ng Rusya.

 

Tinalakay ng dalawang pinuno ang patuloy na pagpapalalim ng estratehikong diyalogo ng dalawang bansa, pagpapahigpit ng kooperasyon sa pangangalaga sa kapakanang panseguridad at kalagayang panrehiyon at pandaigdig.

 

Ayon pa sa ulat, hinangaan ni Kim ang progreso ng dalawang bansa sa mga larangan ng pulitika, kabuhayan at kultura.

 

Ani Kim na patuloy na palalawakin ng kanyang bansa ang kooperasyon at pagkokoordinahan sa Rusya.


Salin: Ernest

Puldio: Ramil