Pagdaan ng mga bapor ng hukbong pandagat ng Alemanya sa Taiwan Strait, namanman ng Tsina

2024-09-14 15:17:36  CMG
Share with:

Sinabi Sabado, Setyembre 14, 2024 ni Naval Senior Captain Li Xi, Tagapagsalita ng Eastern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, na sinubaybayan at namanman ng kanyang command ang pagdaan ng dalawang bapor ng hukbong pandagat ng Alemanya sa Taiwan Strait nitong Setyembre 13.

 

Aniya, ang pagdaan ng frigate "Baden-Württemberg" at supply ship "Frankfurt am Main" ng panig Aleman sa Taiwan Strait ay nagdagdag ng panganib sa seguridad at nagpadala ng maling senyal.

 

Mananatiling mataas ang alerto ng mga tropa ng Tsina, at buong tatag na gaganti sa lahat ng mga banta at probokasyon, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil