Mid-range missile ng Amerika sa Pilipinas, tinututulan ng Tsina

2024-09-19 17:18:20  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Setyembre 19, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na paulit-ulit nang ipinahayag ng Tsina ang solemnang paninindigan kaugnay ng pagtutol sa paglalagay ng Amerika ng mid-range missile sa Pilipinas.

 

Ang aksyon aniya ng Amerika ay malubhang banta sa seguridad ng mga bansa sa rehiyon, at maaaring humantong sa komprontasyong militar.

 

Dapat lubos na ikabahala at panatilihin ng mga bansa sa rehiyon ang alerto sa mga aksyon ng Amerika, dagdag ni Lin.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio