Pangkalahatang debatehan ng Ika-79 na Sesyon ng UNGA, dadaluhan ng ministrong panlabas ng Tsina

2024-09-20 14:43:53  CMG
Share with:

Inanunsyo Huwebes, Setyembre 19, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Setyembre 22 hanggang 28, dadalo si Ministrong Panlabas Wang Yi ng bansa sa United Nations (UN) Summit of the Future at pangkalahatang debatehan ng ika-79 na sesyon ng Pangkalahatang Asambleya ng UN (UNGA).


Bukod diyan, lalahok din aniya si Wang sa mga aktibidad na itataguyod ng Tsina, na kinabibilangan ng mga aktibidad sa pagpapasulong ng Global Development Initiative (GDI) at pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon sa Artipisyal na Intelihensya (AI), at mga multilateral na aktibidad na gaya ng bukas na debatehan ng UN Security Council (UNSC) sa mataas na antas, pulong ng mga ministrong panlabas ng BRICS, pulong ng mga ministrong panlabas ng Group of 20 (G20), at iba pa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio