Masaganang ani, posibleng makuha ng Tsina sa 2024

2024-09-23 12:54:18  CMG
Share with:

Dahil sa pagsisikap ng mga magsasaka at kadre sa buong bansa, ipinahayag, Setyembre 22, 2024 ni Liu Guozhong, Pangalawang Premyer Tsino, na may pag-asang makakakuha ng masaganang ani ng pagkaing-butil ang bansa sa taong ito.

 

Sa parehong araw, dumalo si Liu sa isang pambansang aktibidad bilang pagdiriwang sa masaganang ani sa bayan ng Lankao, lalawigang Henan.

 

Ipinanawagan niya rito ang pagpapalakas ng komprehensibong pagbangon ng kanayunan, at pagsasagawa ng mga pakataran at pagsasa-ayos ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tungo sa paglalatag ng matatag na pundasyon para sa modernisasyon ng agrikultura at kanayunan, at konstruksyon ng masulong na agrikultura ng Tsina.

 

Hiniling din niya ang pagmo-monitor sa kalamidad, paglalabas ng maagang alerto, at pagpigil at pagtugon sa mga kalamidad sa panahon ng pag-ani.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio