Lehislatibong kooperasyon, isusulong ng Tsina at Kambodya

2024-09-24 15:48:22  CMG
Share with:

Nilagdaan, Setyembre 23, 2024 ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pambansang Asembleya ng Kambodya ang kasunduang magpapataas ng bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.

 


Ang kasunduan ay nilagdaan nina Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC, at Khuon Sudary, Tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Kambodya, matapos ang kanilang pag-uusap sa Great Hall of the People sa Beijing.

 

Sinabi ni Zhao, na nakahandang makipagtulungan ang Tsina sa Kambodya upang pagyamanin ang kooperasyon ng Diamond Hexagon, at palalimin at pagtibayin ang progreso sa pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang panig.

 

Sinabi naman ni Khuon Sudary na handa ang Pambansang Asembleya ng Kambodaya na palakasin ang mapagkaibigang pakikipagpalitan sa NPC at gumawa ng positibong kontribusyon sa pag-unlad ng bilateral na relasyon at pagpapatibay ng tradisyunal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at pagpapasulong ng praktikal na kooperasyon sa mga larangang tulad ng kabuhayan at kalakalan, at kultura.

 

Salin: Yu Linrui


Pulido: Rhio