Agrikultura, kanayunan at mga magsasaka, pinahahalagahan ni Xi Jinping

2024-09-24 16:08:20  CMG
Share with:

Ang Qiu Fen o Autumnal Equinox ay isa sa 24 na solar term ng Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino.

 


Ito rin ay kapistahan ng pag-aani ng mga magsasakang Tsino.

 

Sa Ika-7 kapistahan ng anihan ng mga magsasaka nitong Setyembre 22, 2024, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa mga magsasaka at trabahador sa sektor ng agrikultura sa buong bansa.

 


Ipinagdiinan niyang kailangang pasulungin sa abot ng makakaya ang pagdaragdag ng episyensiya ng agrikultura at kita ng mga magsasaka, para ihatid ang aktuwal na benepisyo.

 

Ito ang ika-7 beses nang tuluy-tuloy na pangungumusta at pagbati ni Xi sa mga magsasaka sapul nang itayo ng bansa ang kapistahan ng anihan ng mga magsasaka noong 2018.

 


Bilang kataas-taasang lider ng bansa, maraming ulit nang naglakbay-suri si Xi sa mga sakahan sa iba’t-ibang sulok ng Tsina, at binigyan niya ng lubos na pansin ang mga bagay-bagay na gaya ng pagdaragdag ng output ng pagkaing-butil, pagpigil at pagliligtas sa likas na kapahamakan, pagsasakatuparan ng modernisasyong agrikultural, pangangasiwa sa basura, palikuran at sewage sa kanayunan, konserbasyong ekolohikal at paggagalugad ng industriyang pangkultura at panturista sa kanayunan, pagdaragdag ng kita ng mga magsasaka at iba pa.

 


Sa kanyang praktika ng pagpapasulong sa modernisasyong Tsino, laging ipinapauna ni Xi ang pagpapatibay ng pundasyon ng agrikultura, at pagpapasulong sa komprehensibong pag-ahon ng kanayunan.

 


Ayon sa datos, nitong nakalipas na 75 taon sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), lumaki ang kabuuang output ng pagkain-butil ng bansa mula 113.2 bilyong kilo noong 1949 sa 695.4 bilyong kilo noong 2023, at lumampas sa 650 bilyong kilo ang taunang output ng pagkain-butil nitong nakalipas na 9 na taong singkad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio