Upang masolusyunan ang dumaraming panawagan para sa higit na internasyonal na kooperasyon sa mga hamong tulad ng pagbabago ng klima, kahirapan, di-pagkakapantay-pantay, pagtugon sa mga epekto ng patuloy na mga tunggalian at pandaigdigang krisis sa kalusugan, sinimulan, Setyembre 24, 2024, sa lunsod New York, Amerika ang Pangkalahatang Debatehan ng Ika-79 na Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UNGA).
Sa ilalim ng temang "Walang iwanan: sama-samang pagkilos para sa pagsulong ng kapayapaan, sustenableng pag-unlad, at dignidad ng tao para sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon," kalahok sa pulong ang mga pinuno ng mundo upang makibahagi sa taunang mataas na antas ng diskusyon.
Salin: Yu Linrui
Pulido: Rhio