Pagpapahupa ng tensyon sa pagitan ng Lebanon at Israel, ipinanawagan ng Tsina

2024-09-26 15:09:41  CMG
Share with:

Ipinahayag, Setyembre 25, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang panawagan ng kanyang bansa sa mga may kaugnayang panig na agarang isagawa ang mga hakbang upang palamigin ang situwasyon sa pagitan ng Lebanon at Israel, iwasan ang higit pang paglala ng kaguluhan sa rehiyon, manindigan tungo sa kapayapaan at katatagan ng Gitnang-silangan, at protektahan ang kaligtasan ng mga tao roon.

 

Nakahanda aniyang makipagtulungan ang Tsina sa internasyonal na komunidad para sa layuning ito.


Salin: Yan Shasha

Pulido: Rhio