CMG Komentaryo: Pagsasakatuparan ng mas magandang kinabukasan ng buong sangkatauhan

2024-09-26 15:18:54  CMG
Share with:

Sa Summit ng Kinabukasan ng United Nations (UN) kamakailan, nanawagan si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, sa iba’t-ibang bansa na palakasin ang pagkakaisa para magkasamang maharap ang mga lumalalang hamon at krisis.

 

Bilang tugon sa mga isyung gaya ng sagupaan ng Rusya at Ukraine, sagupaan ng Israel at Palestina, pagbabago ng klima, seguridad ng pagkaing-butil, krisis sa mga mandarayuhan, at paggamit ng mga bagong teknolohiya, narating ng mga kalahok ng summit ang Pact of the Future at Global Digital Compact.

 

Iniharap ng naturang dalawang kasunduan ang 56 na proyektong may kinalaman sa limang isyu, gaya ng sustenableng pag-unlad, kapayapaan at seguridad, inobasyon ng teknolohiya at agham, kabataan at susunod na henerasyon, at pangangasiwang pandaigdig.

 

Sa ngalan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, inilahad sa nasabing summit ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mga paninindigang Tsino hinggil sa konstruksyon ng mas magandang kinabukasan, katulad ng kapayapaan, katatagan, kasaganaan, katarungan.

 

Nitong ilang taong nakalipas, ang mga inisyatiba at multilateral na aksyon ng panig Tsino sa daigdig ay angkop sa diwa ng Pact of the Future.

 

Halimbawa, ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, Global Security Initiative, Global Development Initiative at Global Civilization Initiative ay naglalayong tipunin ang komong palagay at kapakanan ng komunidad ng daigdig at ipagkaloob ang bagong plano para sa pagharap ng mga hamon.

 

Bukod dito, palagiang iginigiit ng Tsina ang pangangalaga sa sistemang pandaigdig, kung saan ang nukleo ay UN, at ang paninindigan ng multilateralismo para pangalagaan ang kapayapaan, seguridad at kaunlaran ng daigdig.

 

Ipinakikita ng Pact of the Future ang hangarin ng komunidad ng daigdig sa pagkakaroon ng mas magandang kinabukasan.

 

Para tunay na maisakatuparan ang naturang mga kasunduan, dapat palakasin ng iba’t-ibang bansa ang pagkakaisa at gamitin ang aktuwal na aksyon sa kooperasyon, at pagbabahaginan sa halip ng konprontasyon at eksklusibidad.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio