Katuturan ng modernisasyong Tsino, inilahad ng ministrong panlabas ng Tsina

2024-09-29 11:06:46  CMG
Share with:

Sa pagdalo, Setyembre 28, 2024 sa debetahan ng Ika-79 Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UNGA), sa New York, Amerika, inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang mahalagang katuturan ng modernisasyong Tsino para sa buong daigdig.

 

Aniya, sapul nang itatag ang People’s Republic of China (PRC) noong 1949, palagian nitong iginigiit ang pagpapataas ng pamumuhay at kaligayahan ng mga mamamayan, at pagpapasulong ng progreso ng sangkatauhan.

 

Ang pag-unlad aniya ng Tsina ay nagsisilbing pagkakataon para sa pag-unlad ng daigdig.

 

Sinabi rin niyang sa katatapos na ika-3 sesyon ng komite sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), itinakda ng CPC ang ibayo pang pagpapalalim ng reporma at pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.

 

Ito aniya ay ugat ng magkasamang pag-unlad at progreso ng Tsina at daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio