CMG Komentaryo: Tsina at daigdig, magkasamang umuunlad

2024-09-30 10:45:31  CMG
Share with:

Ang taong 2024 ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Republic of China (PRC).

 

Sa nakaraang 75 taon, mabilis na umunlad ang kabuhayang Tsino, at dahil dito, nakinabang ang daigdig.

 

Ang Tsina ay isa na ngayong mahalagang puwersa sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at sa katunayan, nitong nakalipas na 10 taon, lampas sa 30% ang karaniwang contribution rate ng kabuhayang Tsino sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

 

Palaging iginigiit ng Tsina ang pagsusulong ng sarili at pandaigdigang pag-unlad, at pagtatayo ng mas makatarungan at makatuwirang sistema pangangasiwang pandaigdig .

 

Noong 1978, sinimulan ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas –  unang hakbang ng bansa sa pagsapi sa pamilihang pandaigdig.

 

Noong 2001, sumapi ang Tsina sa World Trade Organization (WTO), at ito ay nagsilbing milestone sa malalimang pagsangkot ng Tsina sa globalisayon ng kabuhayan.

 

Sa pamamagitan ng reporma at pagbubukas sa labas, isinakatuparan ng bansa ang sariling pag-unlad, at dahil dito, sumulong din ang kasaganaan at katatagan ng daigdig.

 

Nitong 10 taong nakalipas, nahikayat ng pamilihang Tsino ang maraming dayuhang puhunan at bahay-kalakal.

 

Bukod sa pamilihan, mahalagang papel ang ginampanan din ng bansa para sa katatagan at kaayusan ng kadena ng suplay at industriya ng daigdig.

 

Masasabing, ang pag-unlad ng Tsina ay nakasandig sa pag-unlad ng daigdig, at pinasusulong ng pag-unlad ng Tsina ang pag-unlad ng daigdig.

 

Ito ay dapat magpatuloy.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio