Pinamagatang "Written in the Sky: My China Story," at itinaguyod ng China Media Group (CMG), ginanap, Setyembre 28, 2024 (lokal na oras) sa lunsod New York, Amerika ang espesyal na aktibidad pangkultura bilang pagdiriwang sa Ika-75 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).
Sa kanyang naka-video na talumpati, sinabi ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay nagkaloob ng makabagong pagkakataong pangkaunlaran sa modernisasyon ng buong mundo, at lalo pang nagbukas ng bintana para sa pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto ng mga sibilisasyon.
Laging nagsisikap ang Tsina para palakasin ang pandaigdigang pagpapalitang tao-sa-tao, pasulungin ang diyalogo sa pagitan ng iba’t-ibang sibilisasyon, at palalimin ang mutuwal na pag-uunawaan, dagdag niya.
Kasali sa aktibidad ang halos sandaang panauhin na kinabibilangan ng mga personahe ng iba’t ibang sirkulo ng Amerika at mga guro’t estudyante ng ilang paaralan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Edukasyon sa pamamahayag, magkasamang palalakasin ng CMG at Renmin University ng Tsina
China International Intelligent Communication Forum, idinaos
Estratehikong kooperasyon, narating ng CMG at lalawigang Jiangsu ng Tsina
Espesyal na aktibidad bilang pagdiriwang sa Ika-75 Anibersaryo ng PRC, idinaos sa Canberra