Sa kanyang pakikipag-usap kay Li Jian, Embahador ng Tsina sa Algeria, sinabi Oktubre 7, 2024 ni Pangulong Abdelmadjid Tebboune ng Alergia, na palaging itinuturing ng Algeria ang Tsina bilang isang mabuting kapatid, mabuting kaibigan, at mabuting kasosyo.
Inaasahan aniya ng Algeria ang pakikipagtulungan sa Tsina para maisagawa ang kapaki-pakinabang na kooperasyon sa iba't-ibang larangan sa ilalim ng de-kalidad na Belt and Road Initiative (BRI), China-Algiers Cooperation Forum, China-Africa Cooperation Forum at iba pang balangkas.
Patuloy na pagsasamahin at palalalimin ang pagkakaibigang Algeriano-Sino, at isusulong ang sama-samang paggawa ng mga positibong kontribusyon sa pagtataguyod ng kapayapaan at katatagan ng daigdig, dagdag niya.
Sinabi naman ni Li, na sa ilalim ng estratehikong patnubay ng mga pinunong Tsino at Algeriano, ang relasyon ng dalawang bansa ay nagpapakita ng malakas na tunguhin ng pag-unlad.
Handa aniyang makipagtulungan ang Tsina sa Algeria upang patuloy na isulong ang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong pagkakatuwang ng dalawang bansa.
Salin: Zheng Yujia
Pulido: Rhio