Kulturang Tsino, tampok sa bakasyon ng Pambansang Araw ng Tsina

2024-10-08 15:47:22  CMG
Share with:

Sa katatapos na bakasyon ng Pambansang Araw ng Tsina, mula Oktubre 1 hanggang 7, na tinagurian ding “golden week,” dinagsa ng mga Tsino ang mga lugar sa bansa na mayaman sa pamanang kultural. 


Ayon sa datos ng Trip.com, apat sa limang pinaka-hinahanap na tema sa katatapos na bakasyon ay may kinalaman sa kultura. 


Kabilang dito ang "Traveling with Textbooks," mga popular na museo, mga pestibal na pangmusika, at mga biyahe ng pag-aaral o study tours. 


Ang "Traveling with Textbooks" ay tumutukoy sa mga biyahe kung saan dinadala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga mga lunsod o lugar na tampok sa mga aklat-aralin ng mga bata: halimbawa, pagbisita ng mga magulang at anak sa Tsinghua University, dahil sa salaysay na "Moonlight over the Lotus Pond" ng sikat na manunulat na si Zhu Ziqing. 


Mga bisita sa Museo ng Boxing County, lunsod Binzhou, lalagiwang Shandong sa dakong silangan ng Tsina, Oktubre 5, 2024. 


Tumataas din ang bilang ng pagbisita sa mga museo: halimbawa, inilunsad kamakailan ng Sanxingdui Museum sa Lalawigan ng Sichuan ang unang ka-engga-engganyo, o imersibong karanasan sa virtual reality (VR) ng bansa sa isang archaeological site, at bunga nito, nabenta lahat ang mga tiket sa katatapos na panahon ng bakasyon.


Samantala, malaking apektado rin ng mga pelikula at video game ang turismo: halimbawa, ang mga naglalaro ng kilalang video game na "Black Myth: Wukong" ay nagliwaliw sa lalawigang Shanxi sa dakong hilaga ng Tsina, kung saan matatagpuan ang karamihan sa mga tagpo ng laro.


Dagdag pa riyan, ang mga tagahanga ng teleseryeng "To the Wonder" ay nagpupunta naman sa Altay, isang county-level na siyudad sa Xinjiang Uygur Autonomous Region sa dakong hilagang-kanluran ng bansa. 


Kasabay ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, nitong ilang taong nakalipas, lalong pinahahalagahan ng mga Tsino ang pamumuhay na kultural.


Ang pagbabago sa kanilang lakbay-panlasa ay sumasalamin sa mas malaking interes at pagpapahalaga ng mga Tsino sa kanilang tradisyonal na kultura.


Patnugot/Salin: Jade 

Larawan: CFP

Pulido: Rhio