Bumisita, Oktubre 7, 2024 si Pangalawang Premyer He Lifeng ng Tsina sa lunsod Shihezi ng Xinjiang Uygur Autonomous Region kung saan nakahimpil ang ika-8 division ng Xinjiang Production and Construction Corps (XPCC).
Tinungo ni He ang isang museo para alamin ang kasaysayan ng XPCC sa pagpapaunlad ng Xinjiang, pangangalaga sa katatagan ng lipunan, pagpapalalim ng pagkakaisa ng mga etniko, at pagtatanggol sa hanggahan ng bansa.
Pinuntahan din niya ang isang kompanya sa lokalidad para tingnan ang kalagayan ng inobasyon sa teknolohiya, at pag-unlad ng bagong sibol na industriya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio