CMG Komentaryo: Matatag at mabuting pag-unlad ng kabuhayang Tsino, magandang balita para sa daigdig

2024-10-09 16:07:34  CMG
Share with:

Inihayag, Oktubre 8, 2024, ng Tsina ang serye ng mga hakbangin para pasulungin ang sustenableng pagbangon at paglaki ng kabuhayan ng bansa.

 

Ito’y pinagtuunan ng pansin ng maraming dayuhang media.

 

Ayon sa balita, patataasin ng mga hakbanging sumasaklaw sa pinansya, konsumsyon, pamumuhunan at iba pa, ang kompiyansa ng iba’t-ibang kinauukulang panig.

 

Kasabay ng pagpapalabas at pagsasakatuparan ng nasabing serye ng mga hakbangin, kapansin-pansin ang pangkalahatang pagbuti ng kabuhayan ng Tsina, at pag-inam sa pagtaya ng merkado.

 

Sa panahon ng bakasyon ng Pambansang Araw ng Tsina, naging mataas ang konsumsyon sa merkadong Tsino.

 

Ini-ulat ng ilang dayuhang media, na ipinakikita ng mataas na konsumsyon ang kasiglahan ng ekonomiyang Tsino, at ang paglalakbay ng mga turistang Tsino sa ibayong dagat ay nagdulot din ng pag-unlad sa ekonomiya ng kanilang mga destinasyon.

 

Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya ng daigdig, ang pangmatagalang pagpapabuti ng kabuhayang Tsino ay magandang balita para sa mundo.

 

Ang walang humpay ring pagbubukas sa labas ng merkadong Tsino ay lumilikha ng pagkakataon para sa daigdig.

 

Sa kasalukuyan, masalimuot at mahigpit pa rin ang kapaligirang panlabas na kinakaharap ng Tsina.

 

Pero, kasabay ng tuluy-tuloy na paglitaw ng positibong senyal, lubos ang kompiyansa ng Tsina, na maisasakatuparan nito ang target sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa 2024, at maisusulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio