Sa pag-uusap, Oktubre 14, 2024 nina Dong Jun, Ministro ng Depensa ng Tsina, at Andrey Belousov, Ministro ng Depensa ng Rusya, sinabi ng panig Tsino, na dapat tumahak ang dalawang hukbo sa landas na ginagabayan ng mga pinuno ng dalawang bansa, palalimin ang estratehikong koordinasyon, pabutihin ang kalidad at kahusayan ng pagtutulungan, at isulong ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo, upang matatag na maipagtanggol ang komong interes ng dalawang bansa at mapanatili ang pandaigdigang estratehikong katatagan.
Sinabi naman ng panig Ruso, makikipagtulungan ito sa Tsina upang maisagawa ang malapit at mahusay na kooperasyon, mapabuti ang antas at kalidad ng kooperasyon, sabay-sabay na harapin ang mga hamon sa seguridad, at itulak ang relasyon sa pagitan ng dalawang militar sa isang bagong antas.
Salin: Zheng Yujia
Pulido: Rhio