Ayon sa pinakahuling datos, higit 32.3 trilyong yuan Renminbi ang halaga ng panlabas na kalakalan sa paninda ng Tsina, mula una hanggang ika-3 kuwarter ng 2024, na lumaki ng 5.3% kumpara sa taong 2023.
Ito’y nagpapakita na matatag at malakas ang puwersang panloob ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Ang mabilis na pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina ay may kinalaman sa malakas na kakayahang kompetetibo ng produktong Tsino na bunga ng kompletong kadena ng suplay ng manupaktura, epekto ng economic scale, at kaunlaran ng teknolohiya.
Bukod dito, ang mainam na kalagayang pangkabuhayan ng Tsina, malaking domestikong pamilihan at epekto ng mga patakaran ng pamahalaang Tsino ay nagpapasigla rin ng kalakalang panlabas.
Sa kabilang dako, batay sa pag-analisa ng World Bank at World Trade Organization, unti-unting bumabangon ang kabuhayang pandaigdig.
Ito ay nagpapasigla sa kalakalang pandaigdig at nakalikha ng positibong kondisyon para sa pagluluwas ng Tsina.
Ang kalakalang panlabas ng Tsina ay nagkakaloob ng mga de-kalidad na produkto sa daigdig, gaya ng de-kuryenteng sasakyan at produktong photovoltaic.
Ang mga ito ay nagpapahupa ng presyur ng implasyon sa daigdig at nagbibigay ng ambag para sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Maliban diyan, ang malaking pangangailangan ng domestikong pamilihang Tsino ay nagkakaloob din ng pagkakataon sa mga produkto at bahay-kalakal ng iba’t-ibang bansa.
Nananatili pa rin ang epekto ng heo-pulitika at panlabas na proteksyonismong pangkalakalan.
Bilang tugon, iniharap ng Tsina ang plano at hakbangin para pasulungin ang de-kalidad na pagbubukas sa labas, at itinakda ang sistema ng paggarantiya sa kalakalang panlabas.
Kaya masasabing ang Tsina pa rin ay mahalagang pamilihan para sa mga dayuhang mamumuhunan, at mahalagang puwersa para sa pagbangon ng kalakalang panlabas at kabuhayang pandaigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio