Premyer Tsino at punong ministrong Ruso, nagpagpulong

2024-10-17 15:25:57  CMG
Share with:

Sa pulong, Oktubre 16, 2024 nina Premyer Li Qiang sng Tsina at Punong Ministro Mikhail Mishustin ng Rusya sa Islamabad, inihayag ng panig Tsino ang kahandaang makipagtulungan sa panig Ruso upang higit pang ipatupad ang mahahalagang kasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang estratehikong koordinasyon, at palawakin ang kapuwa kapaki-pakinabang na kooperasyon, upang makamit ang pag-unlad at pag-usbong ng dalawang bansa at makapag-ambag sa kasaganaan at katatagan ng mundo.

 


Ipinahayag naman ni Mishustin, na handa ring makipagtulungan ang panig Ruso sa panig Tsino upang mapalakas ang koneksyon ng Belt and Road Initiative at Eurasian Economic Union; mapalalim ang praktikal na kooperasyon sa kalakalan, enerhiya, transportasyon, at agrikultura; at mapahusay ang komunikasyon at kolaborasyon sa ilalim ng mga balangkas ng United Nations (UN), Shanghai Cooperation Organization (SC), at BRICS.

 

Ito aniya ay upang maitaguyod ang patuloy na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Salin: Yan Shasha


Pulido: Rhio