Ayon sa datos na inilabas Biyernes, Oktubre 18, 2024 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, batay sa inisyal na kalkulasyon, mahigit 94.97 trilyong yuan renminbi (RMB) ang gross domestic product (GDP) ng Tsina noong unang tatlong kuwarter ng kasalukuyang taon, at ito ay lumago ng 4.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, mahigit 5.77 trilyong yuan RMB ang value added ng primaryong industriya, na lumaki ng 3.4% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Lampas sa 3.61 trilyong yuan RMB naman ang value added ng sekondaryang industriya, na lumaki ng 5.4%.
Lumago ng 4.7% ang value added ng tersiyaryong industriya na mahigit 5.3 trilyong yuan RMB.
Salin: Vera
Pulido: Ramil