Nagsasagupaang panig, walang karapatang hadlangan ang pagbibigay-tulong ng mga makataong organo sa mga refugee – kinatawang Tsino

2024-10-18 15:21:07  CMG
Share with:

Sa pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Sesyon ng Executive Committee ng United Nations High Commission for Refugees (UNHCR) Oktubre 16, 2024, inilahad ni Chen Xu, Kinatawan ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva at ibang Organisasyong Pandaigdig sa Switherland, ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng mga refugee.

 

Saad ni Chen, ang digmaan at sagupaan ay pangunahing sanhi ng malawakang pagkawala ng tahanan.

 

Dapat aktibo aniyang pasulungin ng komunidad ng daigdig ang pagtigil ng putukan at karahasan at pulitikal na solusyon sa kaukulang isyu, upang maiwasan ang mas malaking makataong kapahamakan.

 

Walang karapatan ang anumang nagsasagupaang panig na hadlangan ang pagbibigay-tulong ng mga makataong organo sa mga refugee, dagdag niya.

 

Tinukoy ni Chen na kailangang masigasig na hanapin ang pangmatagalang solusyon sa isyu ng refugee, tulungan ang mga bansang pinanggagalingan ng mga refugee na palakasin ang kakayahan sa sarilinang pag-unlad, at likhain ang paborableng kondisyon sa muling pagbalik ng mga refugee sa kani-kanilang tahanan.

 

Diin niya, kasama ng iba’t ibang bansa, nakahanda ang Tsina na gawin ang positibong ambag sa kapayapaan at kasaganaan ng daigdig, at pagresolba sa isyu ng mga refugee.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil