MOFA: Hinihimok ang Hapon na maging maingat sa mga salita at kilos nito sa mga isyung pangkasaysayan tulad ng Yasukuni Shrine

2024-10-18 16:44:09  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pag-aalay ng mga sakripisyo ni Shigeru Ishiba, Punong Ministro ng Hapon sa Yasukuni Shrine noong Oktubre 17, ipinahayag ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Yasukuni Shrine ay isang espirituwal na kasangkapan at simbolo ng militarismong digmaang agresyon ng Hapon laban sa mga dayuhang bansa, at nagtataglay ng 14 na kriminal sa digmaang Class A na seryosong responsable sa digmaan ng agresyon.

 

Aniya, hinihimok ng Tsina ang panig Hapones na tunay na harapin at pagnilayan ang kasaysayan ng agresyon nito at maging maingat sa mga salita at kilos sa mga isyung pangkasaysayan tulad ng Yasukuni Shrine, ganap na humiwalay sa militarismo, sumunod sa landas ng mapayapang pag-unlad, at makuha ang tiwala ng mga kapit-bahay nito sa Asya at ng internasyonal na komunidad sa pamamagitan ng praktikal na aksyon.


Salin: Lei Bidan

Pulido: Rhio