Ministrong Panlabas ng Tsina: Nakahandang palalimin ang kooperasyon sa Brazil

2024-10-18 12:59:10  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon, Oktubre 17, 2024 sa Beijing sa mataas na antas ng delegasyon ng Brazil, ipinahayag ni Wang Yi, Ministong Panlabas ng Tsina, na ang komprehensibong kooperasyon ng dalawang bansa ay hindi lamang angkop sa pundamental at pangmatagalang kapakanan ng kanilang mga mamamayan, kundi nagiging modelo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bansa ng Global South.


Sinabi ni Wang na kasama ng Brazil, nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang pagpapalagayan ng dalawang bansa sa mataas na antas, palalimin ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at pataasin ang antas ng estratehikong pagkokoordinahan.


Ipinahayag naman ni Rui Costa, chief of staff ng Pangulong Brazilian, na nakahanda rin ang kanyang bansa na pasulungin ang kooperasyon sa Tsina sa iba’t ibang larangan.


Nagpalitan din ang dalawang panig ng palagay hinggil sa pagpapabuti ng pangangasiwang pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil