Sa paanyaya ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, lalahok si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-16 na BRICS Summit na idaraos mula Oktubre 22, 2024, hanggang Oktubre 24, sa Kazan ng Rusya.
Ito ang kauna-unahang summit ng BRICS makaraang isagawa nito ang makasaysayang pagdaragdag ng mga bagong miyembro at ito rin ang bagong simula ng “Greater BRICS Cooperation.” Magkakasamang tatalakayin sa summit na ito ng mga lider mula sa mahigit 30 bansa at organisasyong pandaigdig ang plano ng pag-unlad.
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng dagidig ang maraming pagbabago. Sa karanasan nito, ang mekanismo ng kooperasyon ng BRICS ay naging mahalagang plataporma para sa kooperasyon at pag-unlad ng “Global South;” bukod dito, ang “diwa ng BRICS” na ang bukas, enklusibo, kooperasyon at win-win na sitwasyon ay naging bandila ng South-South Cooperation.
Kasabay nito, ang naturang mekanismo ay sumusunod sa pangangailangan ng mga umuunlad na bansa hinggil sa pagsasakatuparan ng komong pag-unlad. Bukod dito, ipagkakaloob din ng mekanismo ng kooperasyon ng BRICS ang plataporma at pagkakataon para sa iba’t-ibang bansa na makisangkot sa pagsasaayos ng buong daigdig.
Bilang orihinal na miyembro ng BRICS, sa mula’t mula pa’y, ang Tsina ay buong tatag na sumusuporta at lumalahok sa mekanismo ng kooperasyon ng BRICS, at ginaganap ang mahalagang papel ng pamumuno. Sa pagsisikap ng Tsina at ibang miyembro, tiyak na lalo pang pasusulungin ng Ika-16 na BRICS Summit ang pagkakaisa at pagpapalakas ng “Global South,” at tiyak na magiging mas mabuti ang kinabukasan ng “Greater BRICS Cooperation.”
Salin:Sarah
Pulido:Ramil