MOFA: Buong tatag na tinututulan ang mga probokasyon sa pagbabanta ng soberanya ng Tsina

2024-10-22 10:59:54  CMG
Share with:

Kaugnay ng paglalayag noong Oktubre 20, 2024, ng mga barkong pandigma ng Amerika at Kanada sa Taiwan Straits, ipinahayag Oktubre 21, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang Taiwan ay di-mahihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.

 


Aniya, ang isyu ng Taiwan ay hindi tungkol sa malayang paglalayag, bagkus, isyung may kinalaman sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.

 

Buong tatag na tinututulan ng Tsina ang anumang probokasyon na nagbabanta sa soberanya at seguridad ng Tsina sa ngalan ng malayang paglalayag, diin pa niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil